View Page

Ang linya po ng negosyo ng Pure Rice Milling and Processing Corp. Ay isa sa pinaka unang negosyo na itinaguyod ng aking ama. Ito po ay isa din sa pinaka unang kumpanya na nagsimula sa 22 Group of Companies ng PureGroup.

Nagsimula po ito sa aking mga Great Grand Parents, Grand Parents. Nagumpisa sa zero ang aking aking Ama dahil wala na po naiwan nung nawala po ang aking lolo, luma na po ang mga makina. Nagumpisa po sa trading ang aking ama mula Tarlac pababa ng Maynila sa Dagupan/ Tutuban sa pamamahitan ng PNR Tren...

4th Generation na po tayo sa negosyong ito, sa pagbibigas. Nagsimula po ako, 16 years old, utus-utusan ng daddy ko, pagbibilang ng kamada o pagbilang ng mga stick habang nagkakarga o nagbababa ng kargamento.

Ang negosyo na po na ito ay halos 65 years na po. Yan dalawang lumang cono ng Daddy ko 50 years old na po yan. Iyan po ang pinaka-unang rice mill ng daddy ko. Inilipat po namin mula sa Maynila, Caloocan, Malabon hanggang Malolos Bulacan.

Yung nakikitang Silos sa labas, yun po yung bagsakan ng palay. Pag bagsak po ng palay, lilinisin po natin sa cleaner tapos papasok po dun sa dryers natin, after the dryer, ilalagay mo siya sa tempering bins para lumamig po siya. Kasi yung iba po kapag continuous drying, nababasag po yung butil. Kapag natuyo naman na siya, pwede na po siya ilagay sa storage o silos, ready for milling. Dahan-dahan po tayo dagdag linya by linya ng rice mill, line 1 hanggang line 8 na po sa kasalukuyan.

Mayroon tayong pre-cleaner, huller, whitener, grader, color sorter. Kasi mayroong customers po na gusto nilang nakahiwalay yung whole grain sa durog.

Papasok na po siya sa whitener. Para pumuti siya. Tapos ang level 2 ng pagiging white, o pagiging puti ng bigas eh may single pass, double pass, three pass meaning ilang beses na dadaan sa makina para pumuti.

Ang color sorter, naman po, inaalis po yung mga discolored grains at mga bato.

Kalidad po ang habol natin pero para sa masa po ang ating negosyo. Nakasali po tayo sa GMP- good manufacturing practice, HACCP- Hazard Analysis Critical Control Point , at kasalukuyang sinusuri ng ISO- International Organization for Standardization.

Ang vision mission po natin ay maging isa sa pinaka malaking miller at supplier ng bigas na de kalidad sa buong Bansa. Ayaw po natin yung magbenta ng napakataas na presyo ng bigas. Hindi rin po natin ito tinatago. Sa lahat ng nagdaan na administrasyon, ang ating pakay ay pababain at maging available at affordable na bigas sa hapagkainan ng bawat Pilipino.